Pinakamainit naranasan sa MM

NARANASAN ng mga taga-Metro Manila ang pinakamainit na araw ng taon noong Sabado nang umabot ang temperatura sa 35.4 degrees Celsius.

Ayon sa Pagasa, naitala ang nasabing tempe-ratura sa Science Garden monitoring station sa Quezon City alas-3:50 ng hapon.

Pero, ayon sa weather bureau, ang katumbas nitong heat index o ang init na naramdaman ng katawan ay nasa 37.2 degrees Celsius dahil sa mataas na humidity ng hangin.

Babala ng Pagasa, ang heat index na nasa pagitan ng 32 hanggang 41 degrees Celsius ay pwedeng magdulot ng heat cramps at heat exhaustion habang ang patuloy na aktibidad ay posibleng magresulta sa heat stroke.

Ang heat index ay kalimitang dalawa hanggang tatlong degrees Celsius na mas mataas kumpara sa actual air temperature.

Sa datos ng Pagasa, ang pinakamataas na temperatura sa bansa sa kasaysayan ay 40.2 degrees Celsius na naitala sa Tuguegarao, Cagayan noong May 11, 1969.

Samantalang ang hottest day sa Metro Manila ay nasa 38.5 degrees Celsius na naitala noong May 14, 1987. —Radyo

Read more...