Jasmine Curtis binalikan ang naranasang ‘quarter life crisis’ sa pagse-celebrate ng 25th b-day

BINALIKAN ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis ang mga pagsubok na pinagdaanan niya nitong mga nakaraang taon sa pagse-celebrate niya ng kanyang 25th birthday kahapon.

Hindi napigilang maging emosyonal ang dalaga sa kanyang birthday message na kanyang ipinost sa Instagram with her picture. Aniya, napakarami niyang natutunan sa buhay bago pa siya mag-25.

“It’s incredible how vividly I remember the last decade as if I’m still going through it.
“At numerous points in our life I think we all find ourselves having to decide whether to move forward, stay put and wallow, chase more pavements or bloom again… whatever life needs for us to learn and grow through at that moment.
“The decision making never stops. I’m just glad my quarter life crisis happened earlier at 21, now I can decide to be content, stronger and move forward for more blooms in my life,” ang mahabang caption ni Jasmine sa kanyang IG photo.

Samantala, tuwang-tuwa naman ang kapatid ni Anne Curtis sa mga papuring natatanggap niya sa maikli ngunit makabuluhang pagganap niya sa GMA primetime series na Sahaya. Siya ang batang Manisan sa serye na nanay ni Sahaya na ngayon ay ginagampanan na ng napakagaling ding aktres na si Mylene Dizon.

Nagpasalamat si Jasmine sa lahat ng mga nanood at patuloy na sumusubaybay sa Sahaya sa ginanap na presscon ng bago niyang horror movie, ang “Maledicto” under Fox Network Group at Cignal Entertainment.

Kasama niya rito sina Tom Rodriguez, Miles Ocampo at Inah de Belen sa direksyon ni Mark Meily. Showing na ito sa May 1, Labor Day.

Sa kuwento, gaganap si Jasmine na isang madre na may “kakaiban karisma”. Siya ang tutulong sa karakter ni Tom bilang si Father Xavi para malaman ang misteryo sa pagkamatay ng kapatid nito (Inah).

Magsasanib-puwersa rin sila para labanan ang estudyanteng si Agnes (Miles) na na sinaniban ng demonyo na magiging malaking isyu rin sa Simbahang Katoliko.

Kasama rin sa “Maledicto” sina Matt Escudero, Franco Laurel, Noni Buencamino, Tonton Gutierrez, Liza Lorena at Menggie Cobarrubias.

Read more...