Migo, Ivan may aaminin sa TBATS; Rocco nabiktima ng yaya

MIGO ADECER, IVAN DORSCHNER AT ROCCO NACINO

MAS paiinitin ng trending comic duo na sina Boobay at Super Tekla ang summer season sa isa na namang nakaka-good vibes na episode this Sunday ng The Boobay And Tekla Show.

Tutukan ang unang paglantad ng controversial Kapuso young actor na si Migo Adecer matapos masangkot sa hit and run case kamakailan.

Abangan ang kanyang kuwento tungkol sa hinaharap na kontrobersya at kung bakit nga ba nangyari ang hindi dapat mangyari.

Aside from Migo, makikipagkulitan din sa TBATS ang mga Kapuso hunk na sina Gil Cuerva at Ivan Dorschner sa sexy and naughty Q&A segment na “Feeling the Blank.”

A different kind of fun awaits Boobay and Tekla as they visit a grade school to chat with precocious kids who will answer thought-provoking MOS questions.

Sa “Pranking In Tandem,” makikipagsabwatan ang Kapuso hunk na si Rocco Nacino kina Boobay at Teka sa paghahanap ng bagong “yaya”. Kayanin kaya ni Rocco ang pag-iinterview sa kanilang mga biktima?

Isang sulat naman mula sa isang 88 taong gulang na lalaki ang tampok sa “Dear Boobay and Tekla.” Ano ang ipapayo ng mga host ng TBATS sa kanilang letter sender na umaming bading pala.

Panoorin lahat yan sa isa na namang nakakabaliw at nakaka-good vibes na episode ng The Boobay And Tekla Show ngayong gabi sa GMA after Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read more...