SINAGOT ni Kris Aquino ang mahabang Facebook post ng isa niyang loyal fan na naka-graduate na sa college ngayong taon at umamin ding isa siyang “adik”.
Sa isang mahabang Facebook post, ibinandera ni Gladys kung paano niya ginawang inspirasyon ang Social Media Queen para magsumikap sa buhay at makapagtapos ng pag-aaral. Narito ang ilang bahagi ng kanyang “graduation speech”.“
“Love ko si Kris.
“Mga katagang minsan pilit ko mang binabago pero hindi ko mabago. Hindi ganon kadali alisin ang bagay na nakasanayan ko na. Simula bata palang ako ay adik na ako. Hindi adik sa drugs, kondi adik kay Kris Aquino. Sa mga nakakilala sa akin simula Elementary hanggang ngayon, alam nila na lagi kong bukang bibig ang pangalan niya, pero hindi naging madali saakin ang pagiging diehard fan.
“Bata palang ako ay sinubok na ko ng tadhana. Ikaw ba naman ang lumaki sa probinsiya (Camambugan Balasan, Iloilo), na gustohin ko man siya makita noon ay hindi ko magawa. Pangalawa ang magulang ko, dati talagang pinatitigil na nila ako sa kahibangan ko. Sabi nila pag bumaba daw ang mga grades ko sa kakanuod ng TV dahil kay Kris Aquino ay patitigilin nila ako sa pag aaral ko.
“Sa takot ko na baka pati ang munting paraan na masilayan ko ang kanyang muka sa TV ay ipagkait din nila saakin, ginawa ko nag aral nalang ako ng mabuti. Pinatunayan ko sa mga magulang ko na hindi mangyayari yon, na hindi masamang halimbawa sakin si Kris.
“Marami akong natanggap na mga parangal pero bunga ito ng pagtitiyaga ko at pagsusumikap dahil naniniwala ako na tulad ng laging sinasabi ni kris na kahit nasa kanya na ang lahat dapat magsumikap sa buhay. Na hindi ka makikilala dahil sa apelyidong dala dala mo, kondi sa mga bagay na alam mong ikaw ang may gawa. Alam ng mga magulang ko na si kris ang taong nagpapasaya saakin.
“Sabi nila pang MMK na daw yong dinanas kong pagsubok bago nakita si madam Kris, pero yong maging officially member ng fans club niya ay napakalaking blessing saakin. Yong nagkaroon ako ng chance na makita siya at makausap.
“Lutang man ako lagi pag kaharap siya pero ayon siguro ang epekto pag sobrang hinahangaan mo yong isang tao, na parang pagkaharap ko siya eh parang kaharap kona din ang tinaguriang goddess of beauty na si Venus.
“Madam inaalay kopo hindi lang sa mga magulang ko kondi pati po sayo yong ang mga achievements kopo sa buhay. Madam consistent Deans Lister po ako. Gusto kopo malaman mona ang pagiging adik kopo sayo ay may naidudulot na mabuti. Sa lahat ng sakit na nararamdaman mo, sa lahat ng pambabatikos sayo. May taong kahit umulan bumagyo man hinding hindi ka sinukoan. Mahal kita Mommy K.
Ito naman ang open letter ni Kris para sa kanya.
“Dear Gladys,
“Your achievement is yours and it so generous to share it with me… kaya mong SOLO ipagmalaki ang pagiging masipag mo.
“But i implore you- enjoy your youth. and your health… singleminded ang focus ko- to succeed- BUT now I realize ang daming BONDING namin ng mom that i missed out on because i needed to prove my professionalism.
“You are allowed to HAVE FUN. You should make time for your family. And it is so heartwarming to know you wanted to work for me.
“But you love me, a little too much. Ikaw masasaktan sa bashing nung trolls. Spare yourself that. May i quote a J Lo song?
“I guess i found my way
“It’s simple when it’s right
“Feeling lucky just to be here tonight
“And happy just to be me and be… ALIVE.”
Thank you for this #lovekosikris post because the truth is i myself find it hard to love me.”