Wasak ang puso ni Liza Soberano nang magdesisyon siyang talikuran na ang pagganap bilang ang makasaysayang si Darna.
Napakalaki na ng panahong ipinangpupuhunan ng magandang young actress para sa role pero kinailangan niyang isakripisyo ang napakagandang oportunidad na gumanap bilang Darna.
Basta libre ang panahon ng kanyang manager na si Ogie Diaz ay nakakasabay namin itong mag-lunch sa aming gallery. Pinagkukuwentuhan namin ang kanyang alaga.
May routine-fight lessons si Liza. Palaging nasa gym ang magandang dalaga para sa mas pagpapa-trim pa sa kanyang katawan. Maselan ang mga eksenang nakatakda niyang gawin bilang bida sa pelikula.
Isang araw ay nag-usap nang masinsinan ang manager at ang magandang young actress, iyak nang iyak si Liza, kailangan niyang magdesisyon, hindi siya puwedeng sumabak sa “Darna” nang may pinoproblema siya.
Ang unang naisip ni Liza Soberano ay ang kanyang pamilya. Paano na ang kayang mga mahal sa buhay?
Baka magalit sa kanya ang Star Cinema, ang Star Magic, dahil hindi na niya gagawin ang pelikula sa payo na rin ng kanyang mga doktor?
May bakal pa ang isa niyang daliri, matatagalan pa ang therapy, ayaw niya namang maging dahilan sa pagtatagal ng shooting ng proyekto.
Sabi ni Ogie, “Kung alam lang nila kung gaano kasakit ang iyak ni Liza nu’ng malaman niya from her doctors na hindi pa siya puwedeng sumalang sa matitinding fight scenes.”
Haaaayyyy….