PINIRMAHAN na bilang ganap na batas ang Republic Act Number 11235 o Motorcycle Crime Prevention Act kung saan inaatasan ang mga nagmomotorsiklo na lagyan ng mas malaking plaka ang kanilang sasakyan hindi lamang sa harapan kundi pati na rin sa likod.
Bukod sa malalaking plaka, magiging color-coded na rin ang mga plaka depende kung saang rehiyon ito nakarehistro.
Wala pa mang Implementing Rules and Regulations (IRR) ang RA 11235 na pinirmahan ni Pangulong Duterte noong Marso 8, ay inaalmahan na ito ng mga may-ari ng mga motorsiklo.
Kamakailan ay nagsagawa ng malawakang protesta ang mga motorcycle riders na dinaluhan ng tinatayang 10,000 riders para ipanawagan sa pamahalaan na ikonsidera ang pagpapatupad ng batas dahil ito ay sadyang anti-poor.
Nanawagan naman ang Malacañang sa mga motor riders na huwag munang husgahan ang bagong batas at pabayaang maipatupad para makita kung ito ay magiging epektibong kampanya kontra kriminalidad, partikular sa mga riding-in-tandem na siyang target ng bagong batas.
Meron pang nagpanukala na lagyan ng plaka maging ang tagiliran.
Sa ilalim ng batas, nahaharap sa P100,000 multa ang hindi susunod dito.
Kinontra naman ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang mga probisyon ng RA 11235.
Iginiiit ni Imee na bagamat may punto ang pagpapalaki ng plaka, dapat ay sa likuran lamang ng motorsiklo ito ilagay.
Sinabi pa ni Marcos na dahil sa panukalang malalaking plaka, sari-saring memes ang lumabas sa social media bilang bahagi naman ng pagtutol ng mga netizens dito.
Ayon kay Marcos, kalokahan lamang ang paglalagay ng malalaking plaka sa motorsiklo.
May punto si Imee sa pagtutol na malagay ng malalaking plaka sa mga motorsiklo dahil kadalasan naman hindi gumagamit ng plaka ang mga sangkot sa kriminalidad.
Hindi rin ligtas ang paglalagay ng malalaking plaka sa harap at gilid dahil posibleng mas magdulot pa ito ng panganib sa motor riders.
“This poses safety risks due to aerodynamics and mounting issues,” sabi ni Imee.
Magiging mas mahirap lamang para sa mga riders at angkas nito ang pagkakaroon ng mas malalaking plaka.
Idinagdag ni Imee na hindi rin katanggap-tanggap ang napakalaking multa na P100,000 dahil ang mga mahihirap lamang ang apektado
rito.
“Bagamat naniniwala tayo na ang bottomline kung bakit ikinasa ang batas na ito ay para wakasan ang mga riding in tandem na pasok sa mga krimen. Ang kaso, ang mga matitino nga ang mapapalayas sa kalsada at tiyak na mananatili pa rin sa lansangan ang mga pasaway,” ayon pa kay Marcos.
Sinabi pa ni Marcos na dapat ay repasuhin ang bagong batas na ang mas apektado ay ang mas maraming matitinong motorcycle riders.
Imee kontra sa palpak na plaka
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...