#SisterGoals: Anne, Jasmine Curtis-Smith

SISTER goals talaga ang magkapatid na Anne and Jasmine Curtis-Smith.

Napaka-supportive nila sa isa’t-isa that transcends networks.

Nagkaroon kasi recently ng clamor sa social media sa pagganap ni Jasmine sa bilang ang batang Manisan, na ina ni Bianca Umali sa seryeng Sahaya.

After Jasmine tweeted about her favorite scene sa Sahaya, ni-retweet ito ni Anne sa kanyang mahigit 11 million followers at nanawagan pa sa GMA para sa kanyang kapatid.

“Watched this highlight video of my Sestra for her performance in Sahaya. Hi, GMA ❤️ More roles like this for my amazing actress of a Sestra. Love you! Napakahusay mo talaga!!!!” she said.

Thankful naman si Jasmine sa mga natatanggap nyang papuri mula sa kanyang ate at sa mga manonood ng Sahaya.

“Parang nag-flood agad yung comment section ng Instagram ko. I guess, overwhelming. Kasi you know you’re just doing your job, you’re just giving 100% naman. To see that people where able to notice, talagang nadama nila thankful ako kasi ako din damang dama ko lahat ng iyak ko doon.” ani Jasmine.

Bukod sa support sa mga projects, another way pa na nagiging supportive sila sa isa’t isa ay sa fashion and social media.

Sey pa ni Jasmine, they give each other advice sa postings, sa suot and pose in their Instagram feeds.

“Sa Instagram yung aming ano, like girl yung shoes mo diyan medyo hindi bagay o hindi maganda pose mo diyan, eto na lang post mo.”

When it comes to their own craft, hinahayaan naman daw nila ang isa’t isa to do their own thing.

Read more...