Ben Mananquil napiling GAB Boxer of the Month

PINARANGALAN ng Games and Amusements Board (GAB) si Benjamin Mananquil bilang Boxer of the Month para sa buwan ng Pebrero.

Ito ay matapos na biguin ng 27-taong-gulang na si Mananquil ang Japanese fighter na si Tenta Kiyose sa pamamagitan ng unanimous decision at masungkit ang World Boxing Organization (WBO) Asia Pacific bantamweight noong Pebrero 10 sa Japan.

Ito ang ika-17 panalo ng pambato ng Sanman Promotions sa 21 pro fights. Mayroon din siyang tatlong draw, isang talo at apat na knockout win.

Sinundan niya ang pagkakahirang kay WBC Asia Continental flyweight champion Ricardo Sueno Jr. na napili naman bilang GAB Boxer of the Month para sa Enero.

Tinalo sa pamamagitan ng unanimous decision ng tubong Negros Occidental na si Sueno ang taga-Negros Oriental na si Dionel Diocos noong Enero 26 para makopo ang titulo.

Ang 24-anyos na si Sueno ay may ring record na 9 wins, 2 losses, 4 draws at 3 KOs.

Nakatakdang pumili ang GAB ng Boxer of the Month para sa Marso sa susunod na linggo.

Read more...