BUMAGAL ang pagtaas ng mga presyo ng bilihin (inflation rate) noong Marso, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Naitala ito sa 3.3 porsyento, mas mababa sa 3.8 porsyento noong Pebrero.
Mas mababa rin ito sa 4.3 porsyento na naitala noong Marso 2018.
“This is the lowest inflation since January 2018. Inflation rate was higher in February 2019 at 3.8 percent and in March 2018 at 4.3 percent,” saad ng PSA.
Ang rehiyon na may pinakamababang inflation rate ay ang region IX (Zamboanga Peninsula) at ang pinakamataas ay ang MIMAROPA (Region 4-B) na 4.8 porsyento.
Ayon sa datos ng PSA bumaba ang bilis ng pagtaas ng presyo sa pagkain at non-alcoholic beverages; alcoholic beverages at tobacco products; pabahay, tubig, kuryente, gas at petrolyo, mga gamit sa bahay, kalusugan, komunikasyon, restaurant at miscellaneous goods and services.
Sinabi ni House committee on banks and financial intermediaries chairman Henry Ong na kailangan ng mga hakbang upang mapanatiling mabagal ang pagtaas ng presyo ng bilihin lalo at may nararanasang El Nino na maaaring makaapekto sa halaga ng pagkain.
“With the adverse impact of drought on harvests this summer, it would be prudent for the Agriculture Department to make sure the P10 billion is ready in time for the next planting season. Not part of that Rice Fund are funds for drought relief, so the DA and other agencies should source those relief funds from elsewhere,” ani Ong.