ER Ejercito, iba pa guilty sa graft

GUILTY ang hatol ng Sandiganbayan Fourth Division laban kay dating Laguna Gov. Emilio Ramon Ejercito sa kinakaharap nitong kasong graft.

Si Ejercito, na mas kilala bilang si George ‘ER’ Estragan Jr., ay hinatulan ng anim hanggang walong taong pagkakakulong. Siya ay pinagbawalan na ring humawak ng posisyon sa gobyerno.

Guilty rin sa kaso sina dating konsehal Arlyn Lazaro-Torres, Terryl Gamit-Talabong, Kalahi Rabago, Erwin Sacluti and Gener Dimaranan, at ang private respondent na si Marilyn Bruel.

Pinawalang-sala naman ng korte si dating Vice Mayor Crisostomo Villar dahil sa kakulangan ng ebidensya ng prosekusyon.

Ayon sa korte mayroong ‘gross inexcusable negligence’ sa panig ni Ejercito ng pumasok ito sa isang kasunduan sa First Rapids Care Ventures noong 2008 nang hindi dumaan sa public bidding.

Wala rin umanong lisensya o certificate of authority mula sa Insurance Commission ang FRCV.

Ang insurance at financial assistance ay para sa mga bangkero at turista na dumaraan sa Pagsanjan Gorge Tourist Zone.

Si Ejercito at kanyang mga kapwa akusado ay pinayagan namang maglagak ng dagdag na P30,000 piyansa para sa kanyang provisional liberty habang hindi pa nagiging pinal ang desisyon at maaari pa siyang maghain ng apela. Mayroon silang limang araw upang ihain ang dagdag na piyansa.

Read more...