Huling quarterfinals berth pagtatalunan ng Alaska, NLEX

Laro Biyernes (Abril 5)
(Mall of Asia Arena)
7 p.m. Alaska vs NLEX

NAGTABLA sa ikawalong puwesto matapos ang elimination round, magsasalpukan ang Alaska Aces at NLEX Road Warriors sa isang do-or-die game para sa huling 2019 PBA Philippine Cup playoffs berth ngayong Biyernes ng gabi sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

Ang magwawagi sa kanilang alas-7 ng gabi na rubber match ay aabante sa quarterfinal round kontra top seed Phoenix Pulse Fuel Masters na hawak ang twice-to-beat advantage sa kanilang matchup.

Ang matatalo ay makakasama naman ng Blackwater Elite, Meralco Bolts at Columbian Dyip na magbabakasyon ng maaga.

Ang NLEX ay magmumula sa pagkatalo kontra Magnolia Hotshots, 102-74, noong Miyerkules subalit kumpiyansa ang Road Warriors na kaya nilang talunin ang Aces na tinambakan nila, 91-70, sa kanilang elimination round game noong Marso 13.

 

Read more...