Biik na 2 ang ulo ipinanganak sa Isabela

NAGULAT ang isang backyard hog raiser matapos manganak ang kanyang inahing baboy ng biik na dalawa ang ulo sa Barangay Santo Domingo. Echague, Isabela.

Sinabi ni Mar Balauag, 30, na huling lumabas ang kakaibang biik matapos namang manganak ng 13 ang kanyang alagang baboy noong Abril 2.

“I have been raising hogs for decades but this is my first time to see such a bizarre-looking piglet,” sabi ni Balauag.

Idinagdag ni Balauag na agad niyang kinontak si Dr. Kimberly Visaya, isang beterinaryo dahil sa mahina ang biik na may dalawang ulo.

Ayon kay Visaya, dulot ng genetic defect ang abnormal animal births.

Read more...