Nadine lalaban kina Angel at Pia para gumanap na Wave sa Marvel movie

BUKOD kina Angel Locsin at Pia Wurtzbach, may isa pang young actress na nadagdag sa listahan ng mga female celebrities na posibleng gumanap sa first ever Pinay Marvel superhero na si Wave.

Si Wave ang ang kauna-unahang Filipina superhero sa Marvel Cinematic Universe na mapapanood sa big screen sakaling isalin na nga ito into a motion picture.

Unang nabanggit ang pangalan ni Angel na posibleng gumanap bilang Wave matapos siyang mag-comment sa lumabas na artwork ni Wave. Sumagot naman si Leinil Yu, ang Filipino artist na nag-design sa itsura ni Wave in collaboration with Marvel Comics writer Greg Pak.

“It’s a collaboration of ideas between me, greg and Marvel editorial. Would love to see you as Wave, Angel!” sagot ni Yu sa aktres.

Last week, inamin naman ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na willing siyang mag-audition para gumanap bilang Wave. “Definitely. If there’s gonna be an audition for it, I’m gonna try for that. Why not, di ba?” sabi ni Pia.

Sa recent Facebook post ng Comic Odyssey, in-announce na tumatanggap na sila ng pre-orders para sa War of Realms: New Agents of Atlas with Mico Suayan and Rain Beredo illustrating the variant cover of Marvel’s Wave.

Dito sinabi ni Suayan na si Nadine Lustre ang naging inspirasyon niya sa ginawa niyang illustration para sa  debut comic cover ng Pinay superhero.

“A little trivia. I based my rendition of Wave to Nadine Lustre,” ang ipinost ni Suayan sa kanyang FB page.

Ibig sabihin, malaki rin ang posibilidad na si Nadine ang mapili para bigyang-buhay ang karakter ni Wave sa big screen.

Read more...