Arci: Iniisip ko lang ang panloloko ng mga ex ko, galit na ako agad!

Maraming pinaghuhugutan si Arci Muñoz pagdating sa pag-arte dahil sa dami ng experience niya sa buhay, lalo na sa lovelife.

Sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “Last Fool Show” opposite JM De Guzman under Star Cinema, naikuwento ni Arci ang tungkol sa kanyang mga heartaches.

“Ako po nagamit ko ang mga heartaches ko bilang artista sa mga crying scenes, mga drama na mga nagawa ko po hindi lang sa nitong mga nakaraan. Rom-comish ang mga ginagawa ko kahit na sa soap eh,” pahayag ng aktres.

Aniya, isa sa mga hugot niya sa buhay ay ang pagpanaw ng kanyang ama na siyang naging dahilan ng pagbabago ng takbo ng kanyang career.

“May time talaga sa life ko na nu’ng mawala yung dad ko talagang napagod ako gumawa ng drama, ang bigat-bigat. Sabi ko puwede po ba mag-comedy muna ako?” kuwento ni Arci.

Kung minsan naman daw ay sa kanyang mga ex boyfriend humuhugot ng emosyon ang dalaga para makapagdrama.

“Kapag kailangan ko magalit, iniisip ko ang panggagago ng ex ko. Galit na ako agad,” pag-amin ng dalaga.

Read more...