Alam n’yo ba na mahilig palang manood si Arjo Atayde ng mga lumang comedy films? Bata pa lang daw siya ay fascinated na siya sa mga classic Pinoy movies, lalo na kapag comedy.
Sa guesting ng aktor sa Magandang Buhay, sinabi ni Arjo na ang mga comedian na sina Redford White at Babalu ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nag-artista.
“I love watching old school. So ang nakasanayan kong pannuorin talaga na hindi alam ng tao, is comedy.
Si Redford White, at Babalu, sila ang rason kung bakit ako nag-artista, dahil sila ang gusto kong maka-trabaho. That’s one secret that no one knows,” sabi ng binata. Ni-reveal din niya na isa si Rene Requiestas sa mga ninong niya sa binyag.
Hindi rin daw siya nao-offend kapag bina-bash siya ng netizens at sinasabing kamukha naman daw siya ni Redford White, “Pag nambabastos online, kamukha ko daw si Redford (sinasabi) ko, ‘Wow, it’s an honor!'”
Si Arjo ang leading man ni Jessy Mendiola sa bagong romcom movie ng Regal Films, ang “Stranded” na mapapanood na sa April 10 sa mga sinehan.