Derek: Ready na akong ibigay at gawin lahat ngayong Kapuso na ‘ko

DEREK RAMSAY

“I’M back!” bulalas ni Derek Ramsay nang humarap siya sa members ng entertainment press matapos pumirma ng exclusive contract bilang Kapuso artist.

“This is where I started, this is where I gained confidence to become who I am today.

“I stared on Eat Bulaga, not acting but hosting on Pool Watch. That short stint gave me confidence na humarap sa camera, to be infront of so many people!” pahayag ni Derek.

Sa video presentation na napanood niya bago sumagot sa tanong ng mga reporter, ilan sa mga nag-welcome sa kanya sa paglipat sa GMA ay sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Tom Rodriguez, Jennylyn Mercado at ang ex-girlfriend niyang si Solenn Heussaff.

“Everyone here is so fantastic and I feel so welcomed. I remember Dingdong on Eat Bulaga. Ang galing niyang suma-yaw, ako hindi! ‘Hindi ako tatabi sa ‘yo. Magmumukha akong tanga!’ Ha! Ha! Ha!

“I got to see him during sa commercial shoot. ‘Hey, I heard the news. Dito ka na.’ Coming from a good guy, big star like him. You can’t describe how to feel coz he’s very successful and coming from him, it’s just wonderful!” pahayag pa ng hunk actor.

Sa tanong namin kung bakit natagalan bago siya pumirma ng kontrata sa GMA, may mga inayos lang daw pero walang kinalaman ang talent fee.

“Nu’ng first meting, we had a great evening. No negativity, walang siraan, all positive conversations on who I am, what the plans are.

“I was very honest with them. Mga six or seven months, hindi ako nagtatrabaho dahil sa dream kong maging professional golfer. My mind, my heart, everything was focused on that.

“And during those initial talks, they were patient enough to give me time, prepare mentally.

“Kasi walang biro na babalik sa ganitong buhay, ganitong klaseng trabaho where you have to give 100 percent of your time. Na kahit pagod ka, kailangan, wala kang excuse. You have to be prepared.

“I wanted to be fully prepared na kapag pumasok na ako sa Kapuso, maibibigay ko na ang the best of Derek Ramsay!” paliwanag ng hunk actor na nagsabing handa siya sa lahat ng ipagagawa ng GMA sa kanya.

Para sa unang project niya sa GMA gagawa agad siya ng teleserye, si Andrea Torres ang unang “magdi-devirginize” kay Derek sa mapangahas na TV series na The Better Woman.

Ayon sa aktor, ikagugulantang ng mga viewers ang tema at kuwento ng The Better Woman. Habang binabasa nga raw ni Derek ang script nito ay nasa-shock daw siya sa mga pinaggagawa ng mga karakter nila ni Andrea.

 

Read more...