Batang contestant sa Wowowin may hiling kay Gary V
May panawagan ang isang batang contestant sa Kapuso game show na Wowowin para sa kanyang idol na si Gary Valenciano.
Sa nakaraang episode ng programa ni Willie Revillame naghatid ng good vibes sa mga manonood ang batang singing champion na si NatNat. Tuwang-tuwa sa kanya ang studio audience dahil sa kanyang pagkabibo.
Aniya, ang talagang hinahangaan niya sa larangan ng pagkanta ay sina Celine Dion at Gary V. Kaya naman nang tanungin siya kung ano ang message niya para kay Gary, agad na sumagot ang bagets.
“Hi po, Tito Gary. Nandito na po ako sa Wowowin kahit po nasa kabila kayo. Mag-guest ka po dito. Dito na po kayo lumipat,” pahayag ni Natnat na ikinahagalpak ng lahat ng audience.
Speaking of Gary V, sa wakas muling hahataw on stage si Mr. Pure Energy matapos ang pakikipaglaban niya sa cancer. Magkakaroon siya ng ng North American tour ngayong buwan bilang bahagi pa rin ng kanyang ika-35 anibersaryo sa showbiz.
Ang unang leg ng tour ay mangyayari sa Abril 12 sa Sam’s Town Hotel & Casino sa Las Vegas; sa The Town Hall sa New York City sa Abril 14; Creative Arts Building Pittsburg High School sa Pittsburg, California sa Abril 20; Saban Theater sa Los Angeles sa Abril 21; Snoqualmie Casino sa Seattle sa Abril 26; at matatapos sa Morongo Casino, Resort, and Spa sa Morongo sa Abril 28.
“I’m very excited to go back to the US and perform for everyone there. Kasama ko ang dalawang very talented young divas – sina Jona at Katrina Velarde, and I’m hoping that the people in the States will have fun and fall in love with the show that we have prepared for them,” pahayag ni Gary sa nakaraang presscon ng kanyang “He’s Back: Gary V US Tour” concert.
Bago lumipad pa-US, bilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya bibisita si Gary sa Ayala Trinoma para sa isang fans day sa ABS-CBN Studio Experience ngayong Abril 5, 3 p.m.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.