Former PBB Otso housemate naka-jackpot paglabas ng Bahay ni Kuya

PROMISING ang showbiz newbie na si Seth Fedelin na minahal at sinuportahan ng mga manonood sa  Pinoy Big Brother Otso ng ABS-CBN.

Nakalabas na ng Bahay ni Kuya si Seth pero hindi nga doon nagtatapos ang kanyang pangarap. Very thankful ang binata dahil napakaraming nagbukas na opportunities sa kanya ngayon. He’s under the management of Mario Colmenares with Mark Coleta.

Nakitaan ng potensiyal si Seth na maging leading man material hindi lang dahil sa kanyang celebrity look kundi pati na sa talento niya sa pag-arte. Nasa kanya ang lahat ng qualities na makilala sa mundo ng pelikula at telebisyon.

Mula sa Cavite ang binata na simpleng namumuhay kasama ang kanyang pamilya. Pero ngayon ay instant celebrity na at milyon na ang fans and followers na sumusuporta sa kanya.

Napaka-humble na binata at ayon pa sa kanya, wala siyang ibang iniisip ngayon kundi ang samantalahin ang pagkakataon na ibinigay sa kanya at magkaroon kahit paano ng magandang buhay. Yes, naka-line up na ang mga gagawin niyang proyekto sa Kapamilya Network.

At bilang panimula, isang pelikula ang tinatapos niya ngayon titled “Abandoned” kung saan kasama niya ang isa sa pinakasikat na movie and television actress ngayong si Beauty Gonzalez na produkto rin ng PBB.

May ilang teleserye na rin ang nakaabang sa bagets kaya naman happy ang lahat ng mga sumusuporta sa kanya. Siguradong buong mundo ang nakatutok ngayon kay Seth para abangan ang kanyang pag-alagwa sa showbizlandia!

Read more...