Kadiring singer mayabang na mareklamo pa; sinisi sa pagkabuwag ng sikat na grupo
NAGBALIK-ALAALA ang maraming taga-showbiz dahil sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng isang pamosong male singer. Ilang taon ang kanilang binalikan.
Kasagsagan ‘yun ng kasikatan ng grupong kinabibilangan ng male singer, sikat na sikat talaga sila nu’n, in-demand kahit saan.
Kuwento ng isang source, “Mayabang ang male singer na ‘yun! Sa kanilang magkakasama sa grupo, siya ang pinakamahirap pakisamahan. Ang tingin niya kasi sa sarili niya, e, siya na ang pinakamatalinong tao sa ibabaw ng mundo.
“Madaling kausap ang mga kasamahan niya, very humble ang mga ‘yun, pero itong isang ito ang akala mo may-ari na ng mundo kung umasta. Mahirap siyang katrabaho, marami siyang reklamo!
“Lahat, pinapansin niya, lahat na lang ng reklamo, nasa kanya na, inaaway niya pati ang mga production people, pati ang mga technical group, napakayabang talaga ng walanghiyang ‘yun!” simulang chika ng naiinis naming source.
Palakaibigan at maganda ang PR ng mga kasama niya sa grupo, pero ang kotrobersiyal na male singer ngayon ay walang alam sa pakikisama, feeling nga kasi niya ay siya ang kailangan at hindi siya ang nangangailangan.
“Napakayabang niya! Hindi siya magpapakabog kahit sino! Kailangang siya ang palaging bida, supporter lang niya ang mga kasamahan niya sa grupo.
“Hindi alam ng marami na hindi siya kasundo ng mga kasamahan niya. Feel na feel ‘yun kapag hindi pa sila nagpe-perform. Kinokontra niya kasi ang mga kagrupo niya, kailangang siya talaga ang bumibida sa lahat ng mga performances nila!
“Ano ngayon ang nangyari? Dahil sa kayabangan niya, e, nabuwag ang grupo. Matindi kasi ang kaangasan niya, kaya para maging magkakaibigan pa rin sila, ang mga kasamahan na niya ang kusang humiwalay sa kanya.
“Nakakahiya siya ngayon! Pinagpipistahan siya! Ang tanda-tanda na kasi niya, e, gumawa pa siya ng kasalahulaang idenedenay pa niya nu’ng una! Kadiri ang mayabang na male singer na ito!” pagtatapos ng aming impormante.
Nakow! Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang clue, bigay na bigay na kung sino ang matandang male singer na ito!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.