Paano kung nasa showbiz drug list pa rin ng PDEA si JM?

JM DE GUZMAN

Hindi matanggap ni JM de Guzman na for a while pala ay inakala ni Arci Muñoz na isa siyang bading.

Ang paniwala raw kasi ni Arci noong magkaklase pa sila sa UP Diliman ni JM walang straight na lalaki ang kumukuha ng Theather Arts tulad ng naririnig niya sa iba pang estudyante.

“Siyempre, bilang virgin pa tayo sa mga bagay-bagay noong college, ganu’n ang pagkakaalam ko. Kaya nu’ng ipinakilala sa akin si JM, akala ko talaga bading siya,” sey pa ni Arci.

At kahit natatawa si JM sa first impression ng leading lady niya sa pelikulang “Last Fool Show”, tinanong niya si Arci kung kailan siya nakumbinsi na tunay siyang lalaki.

“Noong college pa rin tayo. Kahit nu’ng hindi pa ako nag-aartista, alam kong hindi ka naman pala bading.

Lalo na ngayong kilalang-kilala na kita, hello! As in, lalaking lalaki ka!” pilya pang tugon ni Arci.

Speaking of JM, diretso nitong sinabi na kung sakaling kasama pa rin ang kanyang name sa sinasabing showbiz drug list ng PDEA, malulungkot and at the same time magagalit siya.

Masyado nga namang unfair kung sakaling sa present list na ipinagmamalaki and yet ayaw namang ilabas ng PDEA ay kasali pa rin ang name ng magaling na aktor.

Open book naman ang mga pinagdaanan ng aktor nitong mga nakaraang taon. At inamin naman niya na talagang nalulong siya sa droga at sinikap niyang magbago. Siya na mismo ang humiling sa kanyang pamilya na ipasok siya sa rehabilitation center.

Tiniyaga, pinagsisihan at pinagsumikapang ituwid ni JM ang lahat ng kanyang pagkakamali and that he deserves all the new chances in life.

Although “what if” lang naman ang naging tanong namin sa kanya, sinabi pa rin ng aktor na he can only speak for himself bases on his experiences.

“Wala po akong karapatan na magsalita para sa iba. Basta po ako sa ngayon ay focused sa aking pamilya at trabaho at gusto ko pong magtuloy-tuloy na ito,” sey pa ng bida ng “Last Fool Show” under Star Cinema.

Read more...