Nagpakalat ng video scandal ni Jim Paredes traydor daw, hinahanting na

JIM PAREDES

SA pagkalat ng video scandal ng dating miyembro ng APO Hiking Society na si Jim Paredes asahan daw na marami pang kaparehong iskandalo ang sasabog ngayong election season.

Inamin na ni Jim na siya nga ang lalaking nasa video na nagpapaligaya sa sarili kasabay ng paghingi ng sorry sa kanyang pamilya at sa lahat ng mga taong na-disappoint at nagalit dahil sa matinding kahihiyan.

Tinangka pang itago ng singer ang katotohanan nu’ng una pero dahil mas marami pa rin ang naniwalang totoo at hindi edited ang video ay napilitan na rin siyang umamin.

Sinang-ayunan ng ilang supporters ni Jim na may bahid politika ang paglabas ng kanyang video scandal dahil isa nga siya sa kilalang kritiko ng Duterte administration.

Pero ang nakakalokang kuwento na aming nasagap, diumano kapwa mga “kritiko” rin ni Jim Paredes ang siyang nasa likod ng pagkalat ng iskandaloso niyang video. Ibig sabihin, may mga traydor daw sa kanyang nga kaalyado? Siguradong iniisa-isa na ng kampo ng singer kung sino ang nagkanulo sa kanya.

Ayon pa sa aming source, asahan pa raw ang paglabas at pagkalat ng marami pang kaparehong iskandalo ng iba pang kilalang personalidad ngayong kasagsagan ng kampanya.

Nakakalurkey! Ha-hahaha! Sinu-sino pa kaya ang malakas ang loob tulad ni Jim Paredes na aamin sa ginawa nilang scandal?

Read more...