Pinagtripan ni Paolo Ballesteros si Maine Mendoza. Kinunan kasi niya ng video ang Phenomenal Star habang bumibiyahe sila pabalik ng Maynila galing sa taping sa Sagada para sa Lenten special ng Eat Bulaga.
Take note, hindi simpleng video ang kuha ni Pao na inilabas niya sa kanyang Instagram Stories. Halatang pagod na pagod si Meng kaya nakatulog sa biyahe, huh!
Dahil sa matinding pagod na dinanas sa taping at sa mga madadramang eksena nila ni Pao sa Holy Week episode nila, hindi niya alam na nakanganga na pala siya. Captured ni Paolo sa IG ang porma ni Maine habang tulog na tulog, huh!
Wala siyang kamalay-malay na na-video-han na siya ni Pochoy (tawag kay Paolo).
Siyempre, hindi na mahalaga kay Maine kung ano ang hitsura niya habang “Sleeping Beauty”. Ang importante eh, makatulog siya sa mabahang oras ng biyahe para makapag-recharge for another commitment.