“HULUGAN” o installment ang paglabas ng mga detalye tungkol sa magiging character ni Alden Richards sa movie nila ni Kathryn Bernardo.
Una na riyan ang pagkarir ng Pambansang Bae sa pagbabawas ng timbang at ikalawa ay ang pag-aaral niya ng lengguwaheng Cantonese para sa kanyang gagampanang role.
“I’ve been losing weight a lot, I am taking Cantonese lessons, tapos magkakaroon pa kami ng ibang lessons prior to the role so surprise kung ano ‘yung magiging role namin ni Kathryn diyan.
“I should sound like a local Hong Kong resident. ‘Yan ang isang clue,” ani Alden sa panayam ng GMA.
Ngayong Abril ang lipad nina Kathryn at Alden patungong Hong Kong dahil doon kukunan ang halos kabuuan ng kanilang pelikula.
Hopefully, makabalik ang Kapuso heartthrob sa bansa para sa opening ng bago niyang negosyong fast food chain na naka-schedule mismo sa Easter Sunday.