HALOS P100 milyon na ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola nito sa Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 40-37-43-24-41-48 sa bola noong Lunes.
Umabot sa P94.190 milyon ang jackpot prize.
Nanalo naman ng tig-P200,000 ang tatlong mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P3,000 naman ang 220 mananaya na nakakuha ng apat na numero. Balik naman ang P24 taya ng 5,751 mananaya na nakatatlong numero.
Ang premyo sa lotto na nagkakahalaga ng P10,000 pataas ay pinapatawan ng 20 porsyentong buwis.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.
MOST READ
LATEST STORIES