Sawa gumulantang sa mga residente

ISANG  sawa na may pitong talampakang haba ang gumulantang sa mga residente ng Quezon City kaninang umaga.

Nagtulong-tulong ang mga residente ng Brgy. Batasan Hills upang mahuli ang sawa na isinilid nila sa sako at dinala sa himpilan ng pulisya.

Galing umano ang sawa sa katabing creek at maaaring nagutom kaya gumapang papunta sa mga kabahayan.

Sa himpilan ng pulisya ay itinali ng tape ang bibig ng sawa. Dadalhin ito sa Department of Environment and Natural Resources.

Read more...