Jim Paredes may video scandal?

VIRAL ngayon sa social media ang isang video kung saan makikita ang isang may edad nang lalaki na nakabukaka at kitang-kita ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Ang lalaki umano sa video ay ang singer-composer na si Jim Paredes. Ilang screenshots ng video na rin ang kumalat sa iba’t ibang blogsites at ayon sa mga netizens naniniwala silang si Jim nga ang nagpakita ng kanyang pagkalalaki sa camera.

Sa kanyang Twitter account, sinagot ng dating miyembro ng APO Hiking society ang pagkakadawit niya sa nasabing video scandal.

Ayon sa veteran singer, fake ang kumakalat na video at hindi raw siya ang lalaki doon.

Tanong ng netizen na si @AllforMinhyun, “But your sex video is not fake news, right? Ooops!!!! #Disente.” Na agad naman niyang sinagot ng, “FAKE.”

Sunod na tweet ng netizen, “He is silent on his own DIRTY SIDE. #Disente want me to share your article way back in 2009? Ooops. This is not April Fools. Mark this day as another nightmare for you.”

“Share it. You read Thinking Pinoy’s misquote. Go to my page and read the original,” sagot ni Jim.

Narito ang tinutukoy na statement ni Jim na ipinost ng Thinking Pinoy: “In his 2009 blog post, Jim Paredes wrote. I just could not feel anything good about watching colleagues in show biz… being humiliated by voyeurism.

“Sure, there are millions who have probably seen them, and what further damage could my watching the videos do, I asked myself. I couldn’t possibly make the situation worse by watching, I thought by way of justification…”

“Ten years later, Jim Paredes made Thinking Pinoy want to bleach his eyes.”

Read more...