Kris in-unfollow si Claudine sa Instagram

CLAUDINE BARRETTO AT KRIS AQUINO

KINLARO ni Kris Aquino na hindi porke’t in-unfollow niya sa Instagram si Claudine Barretto ay hindi na sila magkaibigan.

Nagsimulang i-unfollow ni Kris si Claudine nang magkabati sila ng ate nitong si Gretchen Barretto. Matatandaang panay ang patutsada nio Gretchen sa Queen of Social Media na hindi naman nito pinapatulan.

Maayos na sinagot ni Kris ang nagtanong na netizen tungkol dito, “@joselitojose77, Sir If I continued to follow, sasabihin n’yo naman plastic ako. Habang DEMOCRACY pa ang Pilipinas (bandera ng bansa) pabayaan n’yo na po ako. We can remain friends in real life. Following a person in social media isn’t proof of affection. Keeping a respectful silence is actually a sincerer gesture.”

Anyway, napa-smile naman kami nang makita naming naglalakad sa ulanan ang mag-iinang Kris, Joshua at Bimby para mamasyal sa Tokyo, Japan nitong Linggo (Marso 31). Ibig sabihin nabigyan na si Kris ng pahintulot ng kanyang doktor na lumabas na ng kanilang hotel room para mamasyal.

Sa tuwing pupunta kasi ng Japan ang mag-iina ay parating nasa hotel room lang niya si Kris at hinahayaan ang mga anak na mamasyal kasama ang KCA staff at si yaya Bincai Luntayao.

Inaalalayan naman nina Joshua at Bimb ang mama nila dahil baka madulas na naman dahil basang-basa ang kalsada sa Tokyo.

Samantala, hindi talaga matiis ni Kris na hindi mamili kapag nasa ibang bansa at pakiramdam namin ay nag-hoard na naman siya ng mga pantulog base na rin sa litratong ipinost niya sa IG na kuha sa loob ng kilalang brand apparel na Uniqlo.

“The SHOPPING GANG is complete. We’ll upload our GU & UNIQLO shopping escapades soonest. @uniqlo gusto na kaming pagsarhan. Tumagal because I saw a lot of lounge wear & sleep wear sets for the 2 boys on sale. Thanks @rbchanco for flying in to join us & for constantly reminding me to stick to my budget & my allowance.

“Used my neon pink sneakers. My sweater dress I brought w/ me, bought from @zaloraph- we can’t find the tag but I know I bought it during the 3/3 sale. Last night, I wore the rose pink version. Last night & tonight, I wore @uniqlo fleece turtlenecks under for added warmth. It’s been a happy Sunday.”

Feeling namin binili ni Kris ang lahat ng kulay ng nagustuhan niyang pantulog at iba pang damit sa Uniqlo.

Read more...