“BAKIT lawlaw dede mo?” ‘Yan ang walang patumanggang tanong ng isang basher kay Jessy Mendiola.
Nag-comment ang nasabing netizen sa litrato ni Jessy sa Instagram kung saan nakasuot ito ng swimsuit at diving suit na nakatali ang sleeves sa kanyang baywang.
Hindi ito pinalampas ng leading lady ni Arjo Atayde sa upcoming Regal Films movie na “Stranded” at talagang niresbakan niya ang hater.
“OA ka naman sa lawlaw (laughing with tears emoji). Ganyan ang normal na boobs hindi tayong tayo!” ang bwelta sa kanya ng dalaga.
Ipinagtanggol din si Jessy ng kanyang IG followers, tinawag nilang bastos, walang modo at walang respeto sa babae ang nam-bash sa girlfriend ni Luis Manzano. Talagang kinuyog nila ang bodyshamer para tigilan na nito ang pangha-harass kay Jessy.
Sa nakaraang presscon ng “Stranded” natanong si Jessy kung naaapektuhan pa ba siya ng mga paninira at panglalait sa kanya ng mga bashers sa social media. Aniya, wala na raw siyang panahon para patulan ang mga ito dahil medyo busy ang schedule niya ngayon.
Pero ipinaliwanag niya, hindi naman porke sinagot niya ang isang hater ay “patola” na siya. May mga pagkakataon din daw kasi na feeling niya dapat lang na resbakan ang mga ito lalo na kung pamilya na niya ang dinadamay.
“It’s more of letting the person know kung ano yung totoo. Kung ano yung truth mo. And I don’t see anything wrong with that, di ba?” sabi pa ni Jessy sa isang panayam.
Dagdag pa niya, “Kapag mayroong nagsasabi sa iyo ng negative, hindi ka na lang sasagot para lang hindi ka sabihan ng patola? I feel sad kapag ganu’n yung nangyayari kasi mga tao din po kami, and if we feel na parang below the belt na yung hirit or crossing the line na.
“I feel na, call it whatever you want, call it patola man or patol, basta para sa akin, I want to get their facts straight,” paliwanag pa ni Jessy.
Samantala, showing na ang “Stranded” nina Jessy at Arjo sa April 10 nationwide mula sa Regal Entertainment sa direksyon ni Ice Idanan. Kuwento ito ng dalawang taong “nakulong” sa loob ng isang building habang bumabagyo at kung paano made-develop ang feelings nila sa isa’t isa habang hinihintay ang pagtigil ng malakas na ulan.