Kris lumalakas kapag nasa Japan: I’m healthier because I eat better

KRIS AQUINO

FEELING ni Kris Aquino, mas lumalakas ang kanyang resistensiya at stamina kapag nasa Japan silang mag-iina.
Nasa Tokyo, Japan pa rin ngayon ang Social Media Queen kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby. Talagang sinusulit nila ang kanilang bakasyon habang wala pang naka-schedule na trabaho si Kris sa Pilipinas.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng ilang litrato at video na mga kaganapan sa kanilang mag-iina habang iniikot ang mga magagandang lugar at mga restaurant sa Tokyo.

Sa isang IG video, ipinakita ni TV host-actress ang ilang bonding moments niya with her two sons. Nilagyan niya ito ng caption na: “When you are as ‘lampa’ as me, having 2 sons who are tall & solidly built, is a major blessing… the video (while in the yakiniku restaurant) had no filter, that’s really me w/ just my lash extensions & my @krislifekit happy taupe pang kilay- @cetaphilph daily facial moisturizer only & a dab of elica because i woke up w/ a few rashes on my face, nothing else.

“I am healthier when here in Tokyo because I eat better (kahit paulit ulit- friends na nga namin the Japanese staff in the restaurant & alam na nila what I’m likely to order) & they (Bincai, Jonathan & Fonzi) all encourage me to walk to build up my stamina BUT extra ang pag iingat nila sa ‘kin kanina because madulas & super lamig nung ulan. God bless your Sunday!”

Sa isa naman niyang post, ibinalita ni Kris na may isang project siyang pinag-aaralan ngayon pero hindi raw muna niya ikukuwento dahil baka mausog pa, “I read something I’m excited about, so for me to not spill anything that may derail the project, will go offline.”

Speaking of Kris Aquino, may mga pari rin pala na ginagawang example sa kanilang pagmimisa ang mga pelikula at teleserye ng napapanood nila.

Tulad na lang ng paring nag-officiate ng holy mass at blessing para sa branch ng Bioessence sa SM City Pampanga. Ang tinutukoy namin ay ang pelikula ni Kris na “Etiquette For Mistresses”.

In fairness, talagang kabisado ni Father ang mga dialogue ni Kris sa isang eksena nila ni Kim Chiu tungkol sa iba’t ibang klase ng mga kabit. Pati ang boses at pagde-deliver ng linya nina Tetay at Kimmie ay gayang-gaya ng pari para lang maipahatid sa mga nakikinig sa kanya ang kahalagahan ng pag-intindi sa katotohanan na hindi lahat ng nakapagpapasaya sa isang tao ay tama sa pangingin ng Diyos.

Kaya naman aliw na aliw ang mga dumalo sa blessing ng Bioessence sa SM City Pampanga, kabilang na ang staff at mga empleyado ng beauty clinic at ang mismong may-ari nitong si Dra. Emma Beleno-Guerrero na proud na proud sa kanyang pagiging Davaoeño.

Naimbitahan kami sa nasabing event kamakailan kasama ang iba pang members ng entertainment press at doon nga namin nakachikahan si Dra. Emma na nagkuwento tungkol sa patuloy na success ng kanilang beauty clinic.

Nakasama rin sa blessing ang mga beauty queen na sina 2017 Miss Earth Philippines-Fire Nelza Bautista at Miss Earth Philippines-Fire 2018 Irene Garcia.

In fairness, 24 years nang nagbibigay ng de-kalidad na serbisyo ang skin and body welness center ni Dra. Emma and it has already grown ito over 30 branches nationwide and still counting. At nakapagbigay na rin sila ng napakaraming trabaho sa mga kababayan natin sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“As part of our continuous commitment to give value and care to the wellness of our beloved clients, Bioessence continues to improve all aspects of our customer’s journey and to ensure that Filipinos from all over the Philippines can have the opportunity to reach their beauty and wellness goals,” pahayag ni Dra. Emma na patuloy na naniniwala sa serbisyong “caring beyond beauty”.

The clinic offers a wide rrange of products from beauty to relaxiation – skin cleansers, serums, soaps, aromatherapy and many more.

Matatagpuan ang bagong branch ng Bioessence sa 2nd level ng SM City Pampanga. For inquiries, call lang kayo sa 0930-4260700 o 0967-6910556.

Read more...