Horoscope, April 02, 2019

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan sa ngiti at sa masayahing desposisyon sa buhay ang araw na ito. Sa ganyang paraan, mas madali mong ma hihigop ang suwerte at magagandang kapalaran. Sa iyong kaarawan, makikita mo, bibigyan ka ng tadhana ng mas marami pang mga biyaya at patuloy na magtatagumpay sa lahat ng iyong mga ginagawa. Mapalad ang 1, 8, 18, 27, 36 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pulkasa-Om.” Green at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Maging maingat sa bawat desisyong ipapatupad. Sa panahong ito ng tag-araw mag-isip munang mabuti bago mag-invest ng malaking halaga. Sapag-ibig, ngayon tag-init iwasang manaig ang immoral na relasyon. Mapalad ang 3, 17, 27, 38, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Pink at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa pinansiyal, mabagal na naman ang dating ng pag-unlad, ngunit pagdating ng Mayo muling bubulas ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig sa isang Virgo mararamdaman ang isang nakakikilig na pag-ibig. Mapalad ang 6, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Hindi makukuha sa puro kuwento ang suwerte. Ngayong summer iwasang makipag-tsismisan, kailangan ang pagkilos upang umunlad. Sa pag-ibig, init na init na ang kasuyo, yayain siyang maligo sa tabing dagat. Mapalad ang 5, 14, 26, 37, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Visnu-Om.” Gold at orange ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Panahon na upang lumaban. Ang personal mong kaligayahan ang dapat mong iprioridad hindi ang kaligayahan ng iba. Sa pag-ibig, hindi dapat sundin ang mga maling pinapagawa ng kasuyo. Mapalad ang 2, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Om.” Pink at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Upang suwertehin tiyaking ang pintuan ng inyong bahay ay nakaharap sa silangan. Sa ganyang paraan, mabilis na papasok ang pera at sa pag-ibig, maligayang pagmamahalan ang mananahan sa inyong tahanan. Mapalad ang 4, 17, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Haram.” Green at purple ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Mapalad ka sa silver na alahas, ito ang aakit ng dagdag na buenas. Sa pag-ibig, susuwertehin ka sa isang matabang babae na medyo pandak. Kung ikaw ay babae, susuwertehin ka sa isang matangkad na lalaking payat. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 37, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Anilam-Artam-Om.” White at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—May babala ng karamdaman. Magpahinga muna sa lugar na malapit sa nature at doon makinig ng paboritong musika. Habang nagsa-sound trip, isa-isang magbabalik sa ala-ala ang masasayang nakaraan. Mapalad ang 6, 18, 27, 30, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Om.” Bukod sa red ang pink ay buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig, tuparin ang ipinangako sa minamahal – mag-swimming kayo sa isang malinaw at magandang beach. Iwasang magpabago-bago ng pasya upang wag masira ang kontrata. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ang tinitibok ng puso ang sa iyo ay magpapaligaya. Maghanap ng taong mabait na may pinag-aralan, siya ang mahalin mo. Kapag ang puso’y nagmamahal, kusang maaakit ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 6, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krato-Joviyo-Om.” Violet at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Singilin ng mahigpit ang mga taong sa iyo ay may pagkakautang. Sa pag-ibig at pinansyal, hindi mo ba alam, habang nagsusungit ka, lalo kang gumaganda at lalo kang umuunlad? Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 39 at 489. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mayena–Om.” Orange at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Tanggalin ang galit sa puso. Hindi makakapagdagdag ng suwerte ang kinikimkim na sama ng loob. Sa pag-ibig, kung sino pa ang iyong kinaiinisan, siya pa ang unti-unting mapapamahal sa iyo. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Param-Prana-Prisada-Om.” Green at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Kulang ka sa libido! Lagyan ng libog ang anomang ginagawa. Lagya ng lambing ang pag-aalok ng kalakal. Sa pag-ibig, landiin ng landiin ang minamahal upang tulad ng panahon ng tag-araw muling mag-iinit ang inyong nanlalamig na pagmamahalan. Mapalad ang 7, 16, 34, 39, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Janan-Om.” Green at maroon ang buenas.

Read more...