NAPASAKAMAY na ni Maine Mendoza ang kanyang plaque para sa natanggap niyang recognition as Most Inspiring Celebrity.
Iginawad ito sa Phenomenal Star sa 60th year ng Barbie.
Abot hanggang tainga ang ngiti ni Meng hawak ang award na natanggap sa photo na inilabas sa Instagram ng manager niyang si Rams David.
Ilang taon pa lang si Maine sa mundo ng showbiz ay masasabing napakarami na niyang achievements sa kanyang career na nagsimula nga sa pagkaka-discover sa kanya ng Eat Bulaga sa Kalyeserye.
Mula noon, sunud-sunod na ang kanyang endorsements at dahil sa kinikita niya sa showbiz, nakapagpatayo ng siya ng sariling mga negosyo. Marami na rin siyang natulungang mga kababayan natin na nangangailangan.
From being a Dubsmash Queen, ngayon ay marami ng titles na ikinabit sa pangalan ng dalaga at sa pagkakaalam namin, wala pang artista sa henerasyon ngayon ang maaaring makapantay man lang sa tinatamasang success ni Meng, huh!
Samantala, nang bumisita ang ilang miyembro ng media sa proclamation rally ng partido nina Mayor Arthur at Cong. Rida Robes sa San Jose del Monte, Bulacan, isa sa kandidato na kaalyado nila ang nagpakilalang pinsan ni Maine.
Eh ayon kay Ate Rida (tawag sa kongresista), ‘yun daw ang claim ng kapartido niya dahil Mendoza ang middle name niya’t taga-Santa Maria, Bulacan din siya na hometown ni Meng.