ITINUTURING na napakasuwerte ng kanyang mga kaibigan ang isang kilalang female personality na nakatagpo ng lalaking napakaresponsable.
Nagkaanak ang babaeng personalidad at ang medyo may edad nang lalaking kilala sa lipunan.
Kung marunong magpahalaga sa kanyang anak ang lalaki ay mautak naman si babae. Ginamit niya talaga ang kanyang utak para sa sustento ng kanilang anak.
Kuwento ng aming source, “Magaling talaga ang babaeng ‘yun basta pagkakaperahan na ang pinag-uusapan. Ang galing-galing niya talaga!
“Imagine, hindi pa naman kumakain ang anak nila, gatas lang ang ikinabubuhay, pero napakalaki na ng hininging sustento ng girl sa dyowa niya!
“Monthly ‘yun, walang paltos, talagang pinaninindigan ng lalaki ang para sa anak nila ni ____ (pangalan ng female personality).
“Nakakita siya ng mina ng ginto, sa totoo lang, dahil buwanan siyang may inaasahan sa father ng anak niya! Puwede na niyang ipangutang ‘yun, sa totoo lang, dahil hindi nakakalimot ‘yung lalaking kilala sa ating lipunan,” buwena-manong kuwento ng aming source.
Ang malaking halagang sustento para sa kanyang anak naman ang ginagastos pala ng female personality para sa kanyang mga granatsa sa buhay.
“Kapag tinatanggap na niya ang buwanang sustento ng bagets, e, agad na siyang magpupunta sa isang clinic. Kung anu-ano ang ipinagagawa niya sa katawan niya at mukha.
“Kung minsan nga, e, hindi na siya nakikilala ng mga kaibigan niyang matagal na siyang hindi nakikita. Ganu’n na ang fezlak niya ngayon. Kundi mo siya kilalang-kilala, e, maliligaw ka na rin sa itsura niya!
“Kapag hawak na niya ang allowance ng anak niya, du’n lang siya makikita sa clinic na ‘yun dahil meron na naman siyang ipinababago sa face niya.
“Nakakainis, di ba? Ang galing-galing niya talaga, walang makakakabog sa kanya basta usapin na ng datung ang topic. Nakakainis!” nakataas pa ang kilay na pagtatapos ng aming source.
Getlak n’yo na kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, nakakainis kayo kapag hindi n’yo nahulaan kung sino ang female personality na ‘yun! Promise, nakakainis kayo!