Paolo, Christian, Martin magsasabog ng kabaklaan sa ‘Panti Sisters’

PAOLO BALLESTEROS, CHRISTIAN BABLES AT MARTIN DEL ROSARIO

DREAM project para kina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables ang pelikulang “The Panti Sisters” ng IdeaFirst Company.

Isa ang “The Panti Sisters” na ididirek ni Perci Intalan, sa unang tatlong pelikulang napili para sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na magsisimula sa September, 2019.

Ang dalawa pa ay ang “LSS” na pagbibidahan ng real life couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos directed by Jade Castro under Globe Studios at ang “Cuddle Weather” na hindi pa ina-announce ang cast to be directed by Rod Marmol.

Mismong si FDCP Chairperson Liza Diño ang nag-announce ng first three official entries kasama ang isa sa mga member ng PPP Selection Committee na si Joey Reyes.

Wala si Paolo sa naganap na PPP mediacon recently dahil may prior commitment ang TV host-comedian, pero sanib-pwersa ang dalawang Barbs (sa pelikulang Die Beautiful at Born Beautiful) sa buhay niya na sina Christian at Martin with Direk Perci and Jun Lana.

Dito pinatunayan nina Christian, Direk Jun at Direk Perci na talagang kinalimutan na nila ang misunderstanding nila noon na nagsimula nang tanggihan ni Christian ang “Born Beautiful” na ibinigay nga eventually kay Martin.

At ngayon nga, magsasama-sama sina Christian, Martin at Paolo sa “The Panti Sisters” na tungkol sa tatlong beki sisters na ipatatawag ng kanilang tatay na malapit nang mamatay. Ang huling hiling ng kanilang ama, kung sinuman sa kanila ang makapagbibigay sa kanya ng apo ang magmamana ng lahat ng kanyang kamayaman.

“The script is from Ivan Payawal and we thought it would be ideal if we could cast the three of them all in one movie. ‘Yung tampo kay Christian before, matagal nang na-resolved ‘yun and we’re happy to be working with him again in this family comedy,” ani Direk Perci.

Sey naman ni Christian, “I’m really happy and thankful that sina Direk Perci and Jun Lana, pinagtiwalaan nila uli ako kahit nagkaroon kami ng misunderstanding na pinalaki lang naman ng ibang tao.”

Kuwento pa ng aktor, pinanood din daw niya ang “Born Beautiful” ni Martin, “Yes, talagang pinanood ko ‘yun. First time lang namin ni Martin to meet each other dito sa ‘Panti Sisters” and he is really good in the movie and I enjoyed it.”

Ano naman ang masasabi ni Martin sa pagiging Barbs nila ni Christian at ngayong magkasama na sila sa isang project, “Magkaiba naman kami ng atake ni Christian sa role ng Barbs, and I’m happy na nagustuhan naman ng mga nanood ang ginawa ko as Barbs.

“But now, magkasama na kami sa isang movie at kasama pa namin si Paolo so don’t miss ‘The Panti Sisters’ when it’s shown in September dahil riotous talaga ito,” chika pa ng Kapuso actor.

Samantala, inihayag naman ni Chair Liza na after ng announcement ng tatlong official entry (based on their scripts), ang lima pang finalists na kukumpleto sa PPP’s Magic 8 ay pipiliin sa mga “finished films” o ‘yung mga pelikula na nasa post production na. Ang deadline ng submission ay sa May 31, 2019 na.

Magsisimula ang 3rd PPP sa Sept. 13 at tatagal hanggang Sept. 19. Kasabay nito, ibinalita rin ni Liza na magkakaroon ng special ticket price para sa mga students: P180 para sa Metro Manila students at P130 naman para sa mga students sa province.

Magkakaroon din ng awards night this year ang PPP, ilan sa mga major awards ang best picture, best director, best actor and actress, best supporting actor and actress, plus technical awards.

Bukod dito, ipalalabas din sa PPP ang ilang restored classics films ng mga National Artists for film tulad nina Gerry de Leon, Lino Brocka at Ishmael Bernal.

Read more...