Napaiyak ang isang female fan ni Miguel Tanfelix nang makita niya nang personal ang Kapuso actor sa taping ng Sahaya sa isang lugar sa Calatagan, Batangas.
Sa Instagram post ng costume designer ng Kapuso serye na si Bill Gustilo, mapapanood sa video ang emosyonal na reaksyon ng fan nang makita niya si Miguel. Napaiyak pa ito pagkatapos yakapin ng binata.
“‘Yung nakita mo ang idol mo at ’di mo talaga mapigilan ang feelings mo… ’di mo malaman kung tumawa o umiyak… damang dama kita ate girl,” caption ni Bill sa IG video.
Impressive ang full-scale village na itinayo ng production team ng Sahaya sa Calatagan para magsilbing set ng serye. Doon kinukunan ang mga eksena ng Badjao community kung saan nabibilang ang mga karakter nina Miguel at Bianca Umali.