Bad-trip ang Kapuso TV host na si Drew Arellano sa mga taong basta na lang kukunan ng litrato ang kanyang mga anak nang walang paalam.
Sa kanyang tweet kamakailan, ipinaalam niya sa kanyang followers na parang hindi tama na basta na lang kukunan ang mga bata ng mga taong nakakasalubong o nakakakita sa kanila in public places.
“If I were to lose my cool, and I’m usually cool about things, it would be to strangers who whip out their phones and take snaps of my two boys without asking,” pahayag ni Drew na ang tinutukoy nga ay ang mga anak nila ni Iya Villania na sina Primo at Leon.
Ayon pa sa Kapuso host, wala namang problema kung may gustong magpa-picture sa kanilang mga anak pero, “Please show a lil respect and etiquette, ladies and gents. #youdonotwanttoseemelosemycool.”