Janine nagpakaligaya muna sa London bago sumabak uli sa ‘patayang’ taping ng Dragon Lady

JANINE GUTIERREZ

TODO-NAMNAM si Janine Gutierrez sa unang pagtungtong niya sa London. Magiging bahagi siya ng selebrasyon para sa launching ng pabangong Brilliant Blossoms ng mamahaling brand na Jo Malogne.

Buong ning-ning ngang nagpakuha agad ng picture si Janine sa Jo Malone London Townhouse na napapaligiran ng mga bulaklak at boxes ng paba-ngo.

In-enjoy talaga ng dalaga ang bawat oras niya roon dahil sa pagbabalik sa Pilipinas ng Kapuso actress, haharapin na niya ang madudugong eksena sa pinag-uusapang Kapuso afternoon series na Dragon Lady.

Of course, nagpapasalamat si Janine at ang buong cast and production ng programa dahil unti-unti nang tumataas ang ratings nito.

Puring-puri rin ng viewers and netizens ang acting ni Janine sa Dragon Lady lalo na sa episode kung saan nalantad na ang kanyang tunay na itsura. Comment ng marami, mas naipakita pa niya ang pagiging aktres sa serye.

 

Read more...