ISA sa pinakamalalaking isyu ng trapik sa Edsa ay ang bottleneck sa mga strategic locations sa national highway na ito.
Ang bottleneck ay ang sanhi ng pagsisikip dahil iniipit nito ang daloy ng trapik at iniaatras ang bulumbun ng sasakyan.
Isang dahilan ng bottleneck ay ang “vanishing lanes” sa mga congested areas ng EDSA. Ito ‘yung mga lanes sa left side ng kalye na nawawala dahil may pader o poste na nakaharang dito.
Sa trapik pa naman, ang leftmost lane ay ang passing o express lane kung saan dumadaan ang mga sasakyan na malayo pa ang destinasyon tulad ng mga galing Quezon City papuntang Makati o Pasay gamit ang Edsa.
Kung matulin at walang bara ang mga linyang ito, mabilis na makararating ang mga motorista sa patutunguhan nila.
Ang kaso, may mga lugar na nawawala ang left lane na ito. Ito ngayon ang dahilan ng bottlenecks.
Makikita ang mga “vanishing lanes” na ito sa pag-approach ng Santolan flyover northbound at sa Ortigas flyover southbound.
Itong mga lugar na ito ay totoong bottlenecks dahil kapag lampas dito ay biglang matulin ang daloy ng trapiko.
Dapat ay dumaloy ang leftmost lanes sa porma ng highway upang mabilis na makadaloy ang sasakyan dito. Ang adjustment ng lanes constriction ay sa kanan dapat dahil nandito ang mabagal ay malalaking sasakyan.
Kung maaayos ang lane system sa Edsa, malalagyan ng tamang road signs para sa lane directions at mahigpit na maipapatupad ito, maaaring magkaroon ng pagawa ang trapik sa Edsa.
Para sa komento o suhestiyon sumulat lamang sa irie.pangajiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com.