Tom Rodriguez hinding-hindi malilimutan si Wenn Deramas | Bandera

Tom Rodriguez hinding-hindi malilimutan si Wenn Deramas

Bandera - March 29, 2019 - 12:10 AM

TOM RODRIGUEZ

MALAKI ang tinatanaw na utang na loob ni Tom Rodriguez sa yumaong direktor na si Wenn Deramas.

Si Direk Wenn daw ang isa sa mga dahilan kung bakit kinarir ni Tom ang pagsasalita ng Tagalog. Ito ang inamin ng Kapuso hunk nang maikuwento niya ang pag-aaral niya ng Mandarin para sa role niya bilang Chinese businessman si Michael Chan sa afternoon series na Dragon Lady na pinagbibidahan ni Janine Gutierrez.

“Para sa akin naman sa lahat ng language ganu’n din yung naging challenge ko nu’ng nag-aral ako ng Tagalog, nu’ng dumating ako dito.

“After ng PBB nu’n, si direk Wenn, may ano sila, may office ng PDA (Pinoy Dream Academy) kung saan ako nag-stay after ng show, nagpo-production sila ng isang project nila dun for a teleserye din. Pina-meet ako sa kanya.

“At sinabi niya sa akin kung hindi ako mag-aaral ng Tagalog, puro balikbayan roles ang ibibigay sa akin. Kaya iyon din yung naging challenge. Nalaman ko na minsan pag ginagaya mo yung tunog puwedeng sumunod na lang later kung ano yung sasabihin mo dapat.

“Kasi puwede mo namang itanong, ‘Paano ba sabihin ‘to, paano ba sabihin ‘yan?’ Pero kung fluent ka, let’s say kailangan fluent sa Tagalog, pero kung may accent pa rin, nagkakaroon pa rin ng parang disconnect.

“So feeling ko one of the biggest challenges for me is to really get the sound right para yung syntax madali na lang aralin, kung paano i-construct yung sentence. For me it’s a challenge I find fun!” aniya pa.

Kung matatandaan, noong 2013 lumipat ng GMA si Tom at bumida sa hit drama series na My Husband’s Lover na talagang pinag-usapan sa buong universe at mula nga noon ay hindi na nawalan ng magagandang proyekto ang binata sa Kapuso Network.

At ngayon nga, isa na namang challenging role ang ginagampanan niya sa Dragon Lady. In fairness, hindi nagkamali ang GMA na ang serye nila ang ipalit sa top rating series na Asawa Ko, Karibal Ko.

“Oh yeah, yeah! Actually for me I don’t, hindi ko inisip na challenge na replacing, I enjoyed that show din I always watch it in the afternoon, mas parang excited ako na if that’s what we have to follow and that’s the standard that we have to keep, then I know we’re in good hands.

“At hanggang Sabado kami, du’n ako kinakabahan, hindi ko pa nagagawa before kaya alam ko since nagawa nila, and they did it beautifully, they did it with flying colors, we want to emulate them, na sana we won’t let them down, na kami yung sumunod sa kanila.

“Hopefully we’ll keep the spirit of how successful they were,” sabi pa ni Tom na mukhang nagkatotoo naman dahil sa mainit na pagsuporta sa kanila ng manonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang Dragon Lady sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending