Taxi na naningil ng sobra sa foreigner pinagpapaliwanag ng LTFRB

NAGPALABAS ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Office sa may-ari ng taxi na nangontrata sa isang pasahero na kasali sa Iron Man na ginanap sa Davao.

Ipinadala ng LTFRB ang Show Cause Order kay Eric Verdilla, ang may-ari ng taxi na may plakang WOZ951.

“Mr. Verdilla is expected to present a written answer to the allegation in a hearing set on 17 May 2019. Failure to substantiate the cause of the incident may lead to the suspension or cancellation of his Certificate of Public Convenience,” saad ng LTFRB. “The LTFRB is committed to resolve this incident in order to ensure the safety of commuters, drivers and all road users.”

Ang SCO ay batay sa hindi magandang karanasan ni Ivan Brygar, isang kalahok sa ALVEO Ironman 70.3 kilometro sa Davao. Ito ang kanyang unang Ironman.

Hindi umano naging maganda ang karanasan. Sumakay siya ng eruplano sa Kuala Lumpur at pagdating sa Manila ay wala ang kanyang bisikleta. Ipinangako sa kanya na ihahabol na lang ang bisikleta sa Davao.

Hindi niya alam na kailangan niyang lumipat sa Terminal 4 mula sa Terminal 3. Walang shuttle bus kaya sinabihan siya ng napagtanungan na mag-taxi.

Nang umalis ang taxi ay nagtanong siya kung nasaan ang metro at ang itinuro umano ng lalaki ay ang papel na may nakasulat na ang pamasahe ay P2,400.

Pagdating umano sa labas ng Terminal 4 ay siningil na siya at nagbigay siya ng P2,000. “… and now I writing this post at the gates before the next flight, which is actually DELAYED. Terrible experience.”

Naihabol din ang bisikleta ni Brygar na kanyang ginamit sa kompetisyon.

“There is still open question about the taxi drivers in Manila, I hope police know how to find them and what to do then, wish the government to remove such scammers at the gate of Philippines, because this is the first impression of tourists after getting out from the airport. The Davao is good example of having high level of trustworthy to the local taxi!” 

Read more...