Sigaw ni Maine sa kumalat na Instagram story kontra AlDub: Fake yan!

“FAKE!” Yan ang sigaw ni Maine Mendoza nang makarating sa kanya na may isang netizen ang gumagamit ng pekeng Instagram account para magkalat ng kasinungalingan sa social media.

May kumalat kasing pekeng Instagram Story kung saan pinagalitan ng poser ni Maine ang AlDub fans dahil sa pagkakalat ng mga fake news.

Ni-repost ni Maine ang screenshot ng pekeng Instagram Story gamit ang kanyang Instagram handle na @mainedcm at display photo. Dito mababasa ang, “Don’t involve my parents in your MADE UP STORIES/’EDITED RESIBOS.’ What about ‘OSAKA’ again?”

Ayon kay Maine wala siyang pinu-post na ganitong mensahe sa Instagram Story para pagalitan ang AlDub fans. Sa pamamagitan ng Twitter, ipinaalam niya ito sa kanyang followers.

Tweet ni Maine, “Hello po, ito po ba ang tinutukoy niyo? Hindi po ako nagpost ng ganito. Inedit lang po to, fyi. Have a good day!”

Naniniwala naman ang mga fans and supporters ni Maine na ang pagkalat ng pekeng messages ay gawa-gawa ng ilang AlDub fans na na-bad trip sa pag-amin ng dalaga na “exclusively dating” na sila ni Arjo Atayde.

Hanggang ngayon ay may mga AlDub fans pa rin na hindi matanggap na may dine-date nang ibang lalaki Maine. Umaasa pa rin sila na si Alden Richards ang makakatuluyan ng kanilang idolo.

Read more...