Jennylyn 'inatake' sa mga eksena nila nila ni Gabby sa 'Love You Two' | Bandera

Jennylyn ‘inatake’ sa mga eksena nila nila ni Gabby sa ‘Love You Two’

Bandera - March 27, 2019 - 12:30 AM

JENNYLYN MERCADO

Inatake ng nerbiyos si Jennylyn Mercado sa mga unang eksenang ginawa nila ni Gabby Concepcion para sa seryeng Love You Two.

Muling sasabak si Jen sa pagpapakilig but this time, isang veteran at award-winning actor naman ang makakatambal niya sa katauhan nga ni Gabby.

Ayon kay Jen, ibang klaseng putahe naman ang ihahain nila sa manonood dito sa Love You Two at sigurado raw siyang maraming Pinoy ang makaka-relate sa kuwento nito.

“Alam niyo na si Kuya Gabby, nakakakabang katrabaho dahil siyempre dati pinapanood ko lang siya. Pero ngayon nakakatrabaho ko na siya at napakagaling po niyang artista,”chika ng Kapuso Ultimate Star.

Gagampanan ni Jennylyn ang karakter ni Raffy na handang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya. Overprotective rin siya sa kanyang younger sister na si Sam na gagampanan ni Shaira Diaz. Pero ang twist, mai-in love silang mag-sisteraka sa karakter ni
Gabby.

Sey pa ni Jen, nakaka-relate rin siya sa kanyang role sa serye, “Siguro dahil kasi mag-isa na lang ako at ako yung nagtataguyod sa sarili kong pamilya.”

“Siguro dahil kasi mag-isa na lang ako at ako yung nagtataguyod sa sarili kong pamilya,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending