Max Collins: Feeling ko ready na akong magka-baby

MAX COLLINS

Nang dahil sa bago niyang teleserye sa GMA, ang Bihag, na-feel ni Max Collins mas ready na siya ngayong magbuntis at magkaanak.

Kuwento ni Max, napakarami niyang natutunan habang ginagawa ang mga unang episodes ng GMA Afternoon prime suspense action-drama series na Bihag.

Talaga raw pinaghandaan niya ang kanyang role sa programa bilang si Jessie, isang ina na gagawin ang lahat para mahanap ang kinidnap niyang anak.

“Mas nakatulong ‘yung show para sa akin na maihanda ko ‘yung sarili ko. Ngayon kasi napi-feel ko siya. Nai-imagine ko ‘yung sarili ko, mas napi-feel ko ‘yung pagiging mother. Maybe sometime soon,” pahayag ni Max.

Sa totoong buhay ay wala pang anak sina Max at Kapuso actor Pancho Magno na nagpakasal noong 2017, kaya challenging para sa aktres ang gumanap na nanay sa serye.

“Sa ngayon nagtatrabaho kaming dalawa. Kasi magsisimula na rin siya sa bago niyang show. Gusto pa namin mag-travel and after that, pag-uusapan na namin ang tungkol sa baby,” pahayag pa ni Max.

At kung mabuntis man siya anytime this year, at least may experience na siya pagkananay, “At least may practice na ‘ko. Feeling ko mas ready na ‘ko kesa before. Before this project came, as in wala talaga akong alam.

“Even paghawak ng bata, wala akong alam. But now, thanks to the show, unti-unti nafi-feel ko na ang motherhood,” aniya pa.

Magsisimula na ang Bihag sa April 1, Lunes hanggang Biyernes sa GMA Afternoon Prime directed by Neal del Rosario. Kasama rin dito sina Jason Abalos, Mark Herras, Neil Ryan Sese, Sophie Albert at ang child star na si Raphael Landicho.

Read more...