DJ Chacha: Habang tumatagal mas lalo pang nagiging hot si Ted Failon

DJ CHACHA AT TED FAILON

SA paningin ni DJ Chacha mas lalo pang naging “hot” ngayon ang kaibigan at ka-tandem niya sa radyo na si Ted Failon.

Ito ang diretsong inamin ng DJ na nag-aartista na rin ngayon sa panayam ng Tonight with Boy Abunda. Isa-isa niyang sinagot dito ang mga isyung kinasasangkutan niya ngayon.

Una niyang nilinaw ang tungkol sa pagbibigay niya ng kotse sa isang lalaki na hindi naman niya boyfriend. Totoo raw dahil kabibigay lang niya ng bagong kotse sa tatay niya na nag-celebrate ng 61st birthday recently.

“61st birthday niya last weekend, tapos nung nakita ko yung reaksyon ng tatay ko, sobrang priceless, hindi siya nakapagsalita,” chika ni DJ Chacha.

Sumunod na nilinaw niya ang tsismis na hindi na raw matutuloy ang kasal nila ng kanyang fiancé na si Mike Guevara dahil kay Ted Failon.

“Hindi po totoo, tuloy na tuloy po ito mga Kapamilya,” anang Kapamilya DJ. At dito na nga niya nasabi na habang tumatagal ay lalong nagiging “hot” si Ted sa paningin niya, “Kasi araw-araw siya nagdyi-gym.”

Paliwanag naman niya sa pagli-link sa kanila ni Ted, “Siguro kaya kami nai-issue kasi parang natural din kasi yung conversation namin sa DZMM. Pero kung makikita niyo lang kami off the air, he’s really like a second father to me kasi grabe siya mag-mentor.”

Sinasabi rin daw ni Chacha sa fiancé niya na, “’Pag niloko mo ko si Ted Failon talaga dyodyowain ko. Panakot ko talaga yan sa kanya.”

Inamin din ng DJ na last December daw ay pinagselosan ng dyowa niya si Ted dahil lang sa paghahatid nito sa kanya.

Kuwento ni DJ Chacha, “Pinaupo niya yung driver sa likod at pinagbukas ako ng pinto, dalawa kami para talagang magdyowa. So hinatid ako sa bahay, pinagbukas pa uli ako ng pinto, hinatid ako hanggang sa elevator.”

Naniniwala si Chacha na si Mike na ang “the one” para sa kanya, “Because he always sees the good in everyone, walang masamang tinapay sa kanya. Because of him gusto ko ring maging mas mabuting tao. Aside from that, alam ko mahal na mahal niya talaga yung anak ko.”

 

Read more...