Aiko may death threats na rin dahil sa pagtatanggol kay Jay | Bandera

Aiko may death threats na rin dahil sa pagtatanggol kay Jay

Reggee Bonoan |March 26,2019
facebook
share this

Aiko may death threats na rin dahil sa pagtatanggol kay Jay

Reggee Bonoan - March 26, 2019 - 12:47 AM

ON hold muna ang showbiz career ng panganay nina Aiko Melendez at Jomari Yllana na si Andrei Yllana.

Tatapusin daw muna ng binata ang kanyang pag-aaral bago muling pag-isipan kung itutuloy pa niya ang pag-aartista.

Kasalukuyang nag-aaral ngayon si Andre sa Don Bosco Technical Institute of Makati sa kursong Automotive.

Kuwento ni Andrei nang makausap namin sa pa-thanksgiving dinner ni Aiko para sa mga kaibigan niya sa entertainment media, “Nag-aaral po kasi ako, first year na po ako. Kaka-transfer ko lang po.”

Ang pagkahilig ni Andrei sa kotse tulad ng amang si Jomari ang dahilan kung bakit Automotive ang kinuha niyang kurso.

“Gusto ko po talaga ‘yun (automotive) plano ko rin pong magpatayo ng talyer (high end),” nakangiting sabi ng binata.

Kaya tutok muna sa pag-aaral ang anak ni Aiko at saka na lang daw niya itutuloy ang showbiz kapag naka-graduate na siya.

“Opo, choice ko munang mag-aral kasi importante talaga ang education para may fall back sakaling hindi talaga para sa akin ang showbiz,” pahayag ng binata.

At sa tanong kung plano rin niyang pasukin ang politika pagdating ng tamang panahon dahil ang tatay niyang si Jomari ay kasalukuyang konsehal sa district 1 ng Parañaque City habang naging konsehal din si Aiko noon sa Quezon City.

“Hindi ko nga po alam kasi parang nandoon din ang mata ko ngayon. Tapos both sides pa si mama at si papa (into politics). Siguro po willing to try naman,” say ni Andrei.

Naikuwento rin niya sa amin na tuwing weekends ay nagkikita sila ni Jom dahil may pasok siya kapag weekdays.

Wala ring girlfriend ngayon ang binata na mukhang bagets pa rin sa edad na 21. Parang wala sa priority niya ngayon ang magkaroon ng GF.

“Binabantayan ko po kasi ang kapatid (Marthena) ko. Hindi muna siya puwedeng magpaligaw. Pero wala naman sa ngayon, may mga nakaabang lang,” natawang sabi ni Andrei.

Dagdag pa niya, “Aminado po akong mahigpit ako sa kanya. Kasi mahirap na, di ba? Bata pa ang kapatid ko kaya kailangang bantayan. Ha-hahaha!”

Paano naman niya malalaman kung may nanliligaw kay Marthena e, magkalayo sila ng eskuwelahan.

“May (mga) mata ako sa school niya (sa Poveda), may espiya po ako,” tumatawa uling sabi ng very protective kuya ni Marthena.

In fairness mukhang okay lang din sa dalagitang anak ni Aiko kay Martin Jickain na bantay-sarado siya ng kuya niya dahil hindi naman ito nagrereklamo o nagsusumbong sa nanay nila.

Samantala, may bago namang kapatid sa ama si Andrei at baby boy din ito, “Dalawa na kaming lalaki,” tipid na sabi ng binata.

Sino ang kamukha ng half-brother niya? “Halo po ang mukha, eh.”

Ang kapatid na lalaki ni Andrei sa ama ay si Christiano Ayrton at ang nanay nito ay ang long time girlfriend ni Jom na si Joy Reyes.

Samantala, inamin ni Andrei na natatakot din siya sa pinagdaraanan ngayon ng kanyang mommy at ng boyfriend nitong si Mayor Jay Khonghun.

Ngayong nalalapit na kasi ang eleksyon ay painit na rin nang painit ang mundo ng politika. Tumatakbong vice-governor ng Zambales ang Tito Jay ni Andrei at nito ngang nakaraang linggo ay idinadawit ang alkalde sa isyu ng ilegal na droga.

“Nakakatakot po talaga kasi may mga threat na. Kahit ano pa ang sabihin, nakakatakot pa rin. Buhay na po kasi ang nakasalalay dito,” saad ng binata.

Pero aniya, naniniwala siyang mapagtatagumpayan nina Aiko at Jay ang kanilang laban dahil naniniwala siyang hindi sangkot ang mayor sa ilegal na droga.

Kinumusta ko rin kay Andrei ang samahan nila ng kanyang future stepdad, aniya, “Okay naman po, actually close kami.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakatuwa itong si Andrei, manang-mana talaga sa amang si Jomari na isang tanong, isang sagot kapag iniinterbyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending