Dati talaga hirap kami sa pera, kaya po ako nag-artista-Jessy
“HIRAP kami dati sa pera!” ‘Yan ang inamin ni Jessy Mendiola sa kanyang latest vlog kung saan ikinuwento niya kung gaano kahirap ang buhay ng kanyang pamilya noon.
Tulad ng ibang pamilya, dumaan din sila sa napakaraming pagsubok at isa nga sa mga dahilan kung bakit pinasok niya ang pag-aartista ay para matulungan ang kanyang nanay na bumubuhay sa kanilang magkakapatid.
Aniya, bata pa lang siya ay nakagawa na siya ng mga commercial hanggang sa pasukin na niya nang tuluyan ang mundo ng showbiz.
“Nakakatuwa lang kasi siyempre nagsimula tayo simula nang bata pa ako, nung baby pa ako. Hanggang sa ‘yun nga nag-artista na ako. I remember sikat ‘tong quote na ‘to, ‘I remember praying for the things I have now.’
“Dati palagi akong nangangarap na sana may sarili akong place. Sana merong akong maitutulong sa aking parents, sa mga kapatid ko. And ngayon, unti-unti ko siyang natupad,” simulang kuwento ng girlfriend ni Luis Manzano.
“Dati hindi ko talaga pinangarap mag-artista. Gusto ko lang maging honest kasi dati hirap kami sa pera. ‘Yun ‘yung nag-push sa akin para mag-artista. Siyempre kapag nakakuha ka ng gigs sa ganito or kunwari magkaroon ka ng show, ma-discover ka, may pera na papasok.
“So nu’ng time na ‘yun sabi ko ‘Sige kahit ayaw kong mag-artista or ayaw kong makita ako ng mga tao, tinanggap ko kasi kailangan ko para sa pamilya ko and sarili ko kasi nakikita ko ‘yung mommy ko nung time na ‘yun na sobrang nahihirapan siya na buhayin kaming tatlo,” pagpapatuloy pa ni Jessy.
Ang sarap daw sa feeling na nakikita niyang masaya ang kanyang pamilya dahil naibibigay niya sa mga ito ang kanilang mga kailangan, “Nakakatuwa na ‘pag nakikita mo na pinagtatrabahuan nila ng maayos kung ano ‘yung binigay mo sa kanila gusto nilang ibalik nila ‘yun sa ‘yo.
“I’m really happy na ‘yung ate ko naka-graduate na. Tapos ngayon may buhay na siya sa Japan. Tapos ‘yung little sister ko naman ngayon, magga-graduate na siya. ‘Yun din parang very streetsmart. Kaya niyang buhatin ang kanyang sarili,” aniya pa.
Naikuwento rin ng dalaga sa kanyang 12-minute vlog ang tungkol sa depresyon na pinagdaanan niya noon dahil sa pambu-bully sa kanya.
“Du’n naman sa body-shaming, Nu’ng time na ‘yun akala ko maganda ako kaya confident ako. Pero siyempre kapag may taong nagsasabi na ‘Ano nangyari sa ‘yo tumaba ka?’ parang ‘Huy guys tao din ako tumataba ako, pumapayat ako,’” dagdag pa niya.
Payo niya sa mga kababaihan na dumadaan din sa ganitong klase ng depresyon, “Sa mga girls diyan na nag-i-struggle sa weight nila, kung mag-gain ka man, kung mag-lose ka man ng weight, okay lang ‘yan. Naiiyak ako. ‘Yung weight kasi sensitive topic talaga sa akin ‘yan, struggle talaga ‘yan since bata pa ako.
“Para sa akin, importanteng gawin mo ‘yung bagay na gusto mong gawin sa sarili mo. Kasi ‘yun ‘yung ginawa ko eh. Gusto ko maging tao na nakaka-inspire sa ibang tao. And kahit ayaw ko man mag-artista noon, ngayon gusto ko na kasi may boses ako na pwedeng mapakinggan ng maraming tao,” pahayag pa ni Jessy na super happy din ngayon sa piling ni Luis Manzano.
Kasal na nga lang ang kulang sa kanilang relasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.