Paging all doctors: Presyo ng medical certificate ibaba

MARAMI tayong nata-tanggap na mga reklamo from minimum wage earner employees who think medical are unusually expensive.

Ang sabi nila ang mahal magkasakit these days. At kapag kailangan mo ng medical certificate na iniisyu ng mga doctor dahil ito ang nire-require ng mga kompanya, kadalasan ang singil ay nasa P350 hanggang P750. Wow naman!

Ikumpara mo naman ang halaga nito sa minimum wage na P537 na tinatanggap ng ating mga workers. Indeed, this is unusual. This is absurd! Kaloka!

Mantakin n’yo hindi ka na nga sumahod dahil nagkasakit ka for a few days, tapos magbabayad ka pa nang pagkamahal-mahal na certificate to show proof to your employer that you got sick for a few days?

We discovered among doctors that there is no standard rate for medical certificate fees na sinisingil nila. Kung nagkamali ka ng doctor, yari ka sa kapirasong pirma at maikling sulat na di mo maintindihan.
Kailangan manawagan tayo sa mga doctors particularly sa kanilang samahan na Philippine Medical Association. Mga Doc, proposal ho namin baka pwede ibaba, say sa P30 na lang, ang bawat medical certificates nationwide.

Hindi ho kasi maka-twiran na dada-gdag pa sa economic burden ng mga mannggagawa ang medical certificate na iniisyu ninyo for them. Wala na nga ho silang sahod dahil nagkasakit tapos may gastos pa sa gamot at certificate. Isang memo lang ho yan ng PMA sa lahat ng mga miyembro setting the standard, halimbawa sa P30, ang bawat medical certificate para sa mga mini-mum wage earner.
Please, doc?

Read more...