Barbie kay Jak bilang Dante Gulapa: Hindi siya malaswa

PROUD girlfriend si Barbie Forteza matapos mapanood ang pagbibida ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto sa episode ng Magpakailanman last Saturday.

“Grabe! I’m so proud, sobrang saya!” ang sagot ng Kapuso actress at Kara Mia star nang tanungin ng GMA kung ano ang na-feel niya while watching Jak sa Magpakailanman para sa life story ng tinaguriang “Big Papa” ng social media, ang sikat na sikat na ngayong si Dante Gulapa.

“Sobrang saya ko kasi nagawa niya nang maayos yung trabaho niya and nagpapasalamat din ako syempre kay Tatay Rado (Peru), ang kanyang direktor, dahil inalagaan siyang mabuti.

“Siyempre, medyo daring yung material pero hindi siya naging malaswa.

“May aral pa ring napulot doon sa episode na ‘yon. Happy ako, happy ako,” pahayag pa ni Barbie.

Read more...