Alcala, iba pa kinasuhan sa bawang importation

SINAMPAHAN ng kasong kriminal sa Sandiganbayan si dating Agriculture Sec. Proceso Alcala kaugnay ng manipulasyon ng suplay ay presyo ng bawang noong 2014.

Bukod kay Alcala sinampahan ng kasong graft sina Clarito Barron, direktor ng Bureau of Plants Industry, Luben Marasigan, dating division chief ng National Quarantine Services Division, Merle Palacpac, division chief ng NQSD, Lilia Cruz, chairman at may-ari ng Vegetable Importers, Exporters Vendors Association of the Philippines, at mga direktor ng VIEVA na sina Edmond Caguinguin, Rolan Galvez, Rochelle Diaz, Ma. Jackilou Ilagan, Jon de Vera, Napoleon Baldueza, Jose Ollegue, Laila Matabang, Angelita Flores, Gaudioso Diatco, Denia Matabang, Jose Angulo Jr., Raffy Torres, Mary Grace Sebastian, Renato Francisco Jr., at may-ari ng iba’t ibang organisasyon na may kaugnayan sa bawang na sina Rolando Manangan, Orestes Salon, Prudencio Ruedas, at Sheila Mary dela Cruz.

Nagsabwatan umano ang mga akusado upang mamanipula ang presyo ng bawang sa bansa sa pamamagitan ng pagkontrol sa importation permit.

Ayon sa prosekusyon, 5,022 sa 8,810 import permit na ibinigay mula 2010 hanggang 2014 ay napunta sa VIEVA at inaprubahan nina Alcala, Barron, Palacpac, at Marasigan sa kabila ng umiiral na suspensyon sa importasyon ng bawang.

Mula sa P165-P170 kada kilo, ang presyo umano ng imported na bawang ay umakyat sa P260-P400 kada kilo mula Enero hanggang Hulyo 2014.

Ang presyo naman ng lokal na bawang ay umakyat sa P250-P450 kada kilo mula Abril hanggang Hunyo 2014.

Read more...