Sandra Cam hindi sisibakin ni Digong-Panelo

SINABI ng Palasyo na hindi sisibakin ni Pangulong Duterte si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member at dating whistleblower na si Sandra Cam sa kabila naman ng panawagan ng nakakulong na si Sen. Leila de Lima.

Sa isang briefing, iginiit ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ipinauubaya na ng Malacanang sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon kaugnay ng alegasyon na kumita umano si Cam ng P500 milyon.

“From what I understand, somebody has already filed a case in the Ombudsman. So that’s the Ombudsman call now. Since, it’s already with the Ombudsman and the Ombudsman has the power to suspend, I think we will let it do the process,” sabi ni Panelo.

Nauna nang hinamon ni de Lima si Pangulong Duterte na sibakin si Cam sa harap ng P500 milyong unexplained wealth nang maitalaga siya sa PCSO.

Idinagdag ni Panelo na hindi na rin magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Malacanang.

“It’s being investigated We will not be duplicating any investigation, considering the fact that there is now a pending case with the Ombudsman,” ayon pa kay Panelo.

Read more...