Bakit na-touch at nag-thank you si Angel kay Maymay?

NAG-THANK you si Angel Locsin kay Maymay Entrata.

Hindi nagdamot ang Kapamilya actress sa pagbibigay importansya sa dalaga nang mapanood niya ang interview nito kamakailan.

Sa isang event kasi, natanong si Maymay kung sino sa mga Kapamilya celebrities ang talagang hinahangaan at nagsisilbing inspirasyon niya sa buhay bilang isang babae.

MAYMAY ENTRATA

Ayon sa ka-loveteam ni Edward Barber, matagal na niyang hinahangaan ang talento at pagiging matulungin ni Angel.

Dream come true nga raw para sa kanya ang makita up close and personal ang aktres noong dumalaw ito sa Pinoy Big Brother house.

“Si Angel Locsin kasi pwede siya maging superhero, maging bida, kontrabida, maging siga. Lalo na ngayon sa General’s Daughter talaga pong siga siya dun. Astig siya.

“Nakaka-inspire lang na kahit anong role po kinakaya niya. So ayun po, na-inspire ako,” pahayag ni Maymay sa nasabing panayam.

At nang makarating nga sa lead star ng seryeng The General’s Daughter ang mga sinabi ni Maymay, agad itong nag-post ng mensahe sa kanyang Twitter account para magpasalamat kay Maymay.

“Salamat @maymayentrata07 Unang kita palang natin sa loob ng bahay ni kuya tuwang tuwa na ako sayo,” sabi ni Angel.

Bumuhos ang pasasalamat ng mga fans and followers ni Maymay para kay Angel, bihira na lang daw kasi ang mga kilalang artista ngayon na marunong magpasalamat sa kapwa nila celebrities.

Read more...